[Tula] Hubad at Hilaw


Sa isang kilalang teoryang panlipunan ay iprinepresenta na ang tao ay mayroong iba’t ibang mukhang ihinaharap depende sa sitwasyong ginagalawan. Tila lumilipat mula sa isang entablado tungo sa susunod, kung saan paiba-iba rin ang ginagampanang tauhan. Iba ang ikaw na pumapasok sa klase, sa ikaw na nakikipag-inuman sa mga kaibigan, sa ikaw na umuuwi sa piling ng minamahal. Ang bawat tauhang ihinaharap natin sa mundo ay isa lamang sa maraming bersyon ng malawak at lumalawak na sarili.

***

Sasalatin ang kalahatan ng katawan -
bawat papasok at pailalim
Kakabisaduhin ang mga paso’t pilat,
mga galos na lihim
Yayapusin ang nagmamanhid na balat,
nag-iinit na laman
Saka ihahain nang buong-buo
Ngunit nang marahang-marahan

At maghihiwalay na ang mga kurtina
Para sa isa pang pagtatanghal
Kung saan ang tauhan ay ang ikaw
Tunay
Dalisay
Hubad
Hilaw





Originally published at byepaulinefernandez.blogspot.com Apr 2017

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

[Tula] Sa mga Bagong Estranghero