[Tula] Sa mga Bagong Estranghero
Hindi naman sa hindi mapakaling lumisan Naubusan na lang ng mga rason para manatili Nawalan ng makakapitan Tila nakalambitin sa lubid na unti-unting napipigtal Hangga’t sa tuluyan na lang napatid Mga iniisip sa pansamantalang ere lang ang humahagkan: 1) Ang simoy ng hanging mapagpalaya 2) Ang lupit ng bagsak sa lupa *** Guilt - In varying degrees Constant and unceasing - Bumabalot Na parang rumaragasang alon Pinupunan Ang bawat labas-masok Bawat kanto at kurba Ngunit sa mas lalong paglaban Mas lalong hahatakin pailalim At ako’y tuluyang nalunod Originally published at byepaulinefernandez.blogspot.com 2017