[Tula] Sa mga Bagong Estranghero



Hindi naman sa hindi mapakaling lumisan
Naubusan na lang ng mga rason para manatili
Nawalan ng makakapitan

Tila nakalambitin sa lubid na unti-unting napipigtal
Hangga’t sa tuluyan na lang napatid

Mga iniisip sa pansamantalang ere lang ang humahagkan:
1) Ang simoy ng hanging mapagpalaya
2) Ang lupit ng bagsak sa lupa

***

Guilt -
In varying degrees
Constant and unceasing
-
Bumabalot
Na parang rumaragasang alon
Pinupunan
Ang bawat labas-masok
Bawat kanto at kurba
Ngunit sa mas lalong paglaban
Mas lalong hahatakin pailalim

At ako’y tuluyang nalunod





Originally published at byepaulinefernandez.blogspot.com 2017

Comments

Popular posts from this blog

[Tula] Hubad at Hilaw